Beth Gelena / Bulgary Files
Dingdong, nag-aaral maggitara habang lockdown
Habang may enhanced community quarantine, unti-unting natututong maggitara ang Kapuso actor na si Dingdong Dantes.
Post niya sa kanyang social media account, nu’ng grade school days daw niya ay drummer siya ng isang amateur band.
Sumali raw sila sa kanilang school sa '96 Battle of the Bands kung saan nanalo sila as 1st runner-up dahil dadalawa lang naman daw silang grupo ng contestants.
“Since then, I’ve always wanted to learn how to play a whole song on guitar. The farthest I’ve reached was learning 3 chords – G D and A mula pa sa kabanda ko na magaling maggitara. I had given up on that dream not until I saw the post of @kuyakim_atienza wanting to learn the instrument during this ECQ. So, ayun, kelan pa ba ako matututo kundi ngayon."
♥♥♥
Matteo, nagpramis na si Maja at ‘di si Sarah ang huling babaeng mamahalin
Maraming lalaki ang na-link sa petite actress na si Maja Salvador at ilan sa mga ito ay minahal niya nang tunay.
Ang una ay si John Prats na inamin naman ni Maja na crush niya. Nagkapareha sila sa It Might Be You starring Bea Alonzo at John Lloyd Cruz.
Ayon kay Maja, may eksenang iyakan. Dahil crush nga raw niya si JP, nahihiya siya. Ang ginawa niya ay tipong nagpa-cute sa aktor.
Nang mapagalitan siya ng direktor, napaiyak raw talaga siya nang husto, hindi dahil nakaarte siya kundi dahil napahiya siya sa kanyang crush.
Nagkaroon naman daw sila ng mutual understanding, pero hindi dumating sa puntong naging malalim ang kanilang naramdaman sa isa’t isa.
Next na naging ka-love team ni Maja ay si John Wayne Sace. Nagkasama sila sa drama series nina Piolo Pascual at Judy Ann Santos, ang Sa Piling Mo.
Marami ang nagsasabi na may chemistry sila ni Sace dahil may kilig ang love team nila sa mga fans.
Pero hindi rin nagtagal ang kanilang love team dahil naging on-and-off si John Wayne sa showbiz due to some personal reasons. Pero inamin ni Maja sa isang interbyu noon na nagkaroon sila ng short-lived romance ng young actor.
Aniya, "Parang fling-fling lang. Kasi siyempre, magka-love team kami dati. Halos everyday kaming magkasama, ganu'n po."
Ang next actor na na-link sa Kapamilya actress ay si Carlo Aquino. On-and-off daw kung manligaw sa kanya ang aktor. Pero, very vocal si Carlo na nililigawan niya ang petite actress. Katunayan, kapag nagde-date raw sila ay ipinagpapaalam niya pa ang aktres sa ina nito. Ngunit pinrangka ni Maja si Carlo na tigilan na ang panliligaw sa kanya. Dahilan ng aktres ay mas magko-concentrate siya sa kanyang career kesa sa personal matters.
Napagbintangan nga ring siya ang third party kung bakit nagkahiwalay sina Angelica Panganiban at Carlo.
Dinepensahan naman ni Maja ang sarili sa Tonight with Boy Abunda na hindi siya ang dahilan ng breakup nina Carlo at Angelica.
Aniya, "Inamin naman ni Carlo na hindi siya behave dati, so bago pa niya ako dati ligawan, ang daming ibang babaeng naging rason ng pag-aaway nila ni Angelica.”
Later on, pumasok naman sa buhay ni Maja si Sam Milby. Sinabi rin ni Sam na crush niya ang aktres.
Aniya, "I won't deny I have a crush on Maja before, alam niya 'yun."
Pero kinlaro ni Sam na hindi niya niligawan ang aktres.
Nu’ng nagkasama raw sila sa Impostor, nagpaparamdam siya pero wala rin daw nangyari.
"Up to now, I still admire her," ani ng Fil-Am actor sa isang interbyu.
Hanggang dumating si Matteo Guidicelli sa buhay ng dalaga. Naging close ang dalawa nang um-attend si Maja sa isang event kung saan rarampa si Matteo.
Tinawag pa ni Maja na “Hot Matteo" ang newbie actor that time habang rumarampa ito.
Sa interbyu sa aktor, sinabi niyang, "She is the sweetest thing. She is so beautiful. She is so talented."
Naisikreto ng dalawa ang kanilang relasyon for a year, pero nabuking nang magkaroon ng incident between Matteo at Coco Martin.
Um-attend ng Star Magic Ball 2011 ang tatlo dahil leading man ni Maja si Coco sa Minsan Lang Kita Iibigin. Nagkabanggaan umano sina Coco at Matteo dahil nagselos ang huli sa una. Inamin din naman ni Maja on national TV na mag-boyfriend na sila ni Matteo nu'ng time na 'yun.
Humingi naman ng sorry si Matteo at sinabi pang "We understood na kahit ano'ng mangyari, we'll fight for each other."
Nabanggit din noon ni Matteo na si Maja ang last woman na kanyang mamahalin. Pero year 2012 ay nagkahiwalay din ang dalawa.
Then Gerald Anderson came into Maja’s life. Hindi rin na-pursue ang kanilang relasyon kahit na dumating sa punto na sinisisi ng KimeRald fans si Maja na siya raw ang nangwasak sa pagmamahalan nina Kim Chiu at Gerald. Mag-best friend ang dalawang Kapamilya actresses in real life, pero dahil kay Gerald, nagkaroon ng gap sa pagitan nila.
Naniwala si Maja na ang relasyon nila ni Gerald ay panghabambuhay, pero nagkahiwalay din sila ng aktor nu’ng 2015. Mismong si Gerald pa ang nag-announce na break na sila ni Maja.
Ayon kay Maja, wala sa kanya ang problema kundi na kay Gerald.
"And after nu'n, kailangan mo lang tanggapin na 'yung journey n'yo ru'n sa love na 'yun is nag-end na," sambit ng aktres.
Pero wala raw regrets si Maja nu'ng mag-BF pa sila ni Gerald.
"Sinabi ko naman 'yan simula umpisa, lumaban ka. Matalo, manalo, ang importante, lumaban ka."
Sa ngayon, civil na lang daw sila sa isa’t isa mula nang nagkahiwalay sila. Bumalik na rin ang pagkakaibigan nila ni Kim.
Hinggil naman kina Piolo Pascual at John Lloyd Cruz, best friends lang daw talaga niya ang dalawang mahuhusay na aktor and no strings attached sa kanila.
Si Papa P., ever since ay ultimate crush na niya while si JLC ay best friend niya dahil iisa lang ang kanilang road manager.
Year 2018 nang inamin ni Maja na muli siyang nakikipag-date sa isang non-showbiz guy na childhood sweetheart at classmate raw niya nu’ng high school.
Fifteen years daw silang naging magkaibigan. At ito nga ay walang iba kundi si Rambo Nuñez na una niyang nakarelasyon years ago at nakabalikan lang uli.
Dito nabali ang rule ni Maja na kung magkakahiwalay sila ng karelasyon ay ‘walang balikan ng ex.’
Ani Maja, "Ako rin naman, nagulat. Pero sabi ko nga, minsan you break your own rules.
"And 'yung reason naman namin kung bakit kami nag-break noon, hindi matindi, hindi tulad ng iba na matindi. 'Yung reason namin, bata lang kasi ako nu'n."
Ayon kay Maja, ang relasyon nila ni Rambo ay very special sa kanya dahil maging ang pamilya ng non-showbiz guy ay mahal na mahal siya.
Pag-amin niya sa isang panayam: "Sobrang suwerte lang din na ang bait ng family, na wine-welcome ka na parang pamilya.
"Actually, anak 'yung turing sa akin, eh. 'Yun 'yung masarap sa pakiramdam. 'Yun ang ipinapa-feel ng family."
Sa last interview kay Maja bago magkaroon ng enhanced community quarantine, sinabi niyang pinag-uusapan na rin nila ni Rambo ang kasal. Ibibigay daw niya ang update kapag meron na.
♥♥♥
Naaliw si Dimples Romana nang i-post sa social media ang paragliding scene ni Angel Locsin na kuha sa Lobo teleserye nila ni Piolo Pascual years ago. Kasama si Dimples sa Lobo teleserye.
Ala-Crash Landing On You raw ang eksena ni Angel bilang si Son Ye-jin.
Natutuwa si Dimples dahil naaalala pa rin daw ng mga televiewers ang mga eksenang ‘yun.
Fan din ng CLOY ang aktres at nag-enjoy daw siya nang mapanood ang Korean drama series.
Aniya, "HYUN BIN IS MY OPPA. I love him!
"But seriously, ang ganda ng pagkakagawa nila, ang husay ng storytelling, and the actors were all so good. The setting was perfect."
Ang Lobo ay ipinalabas nu’ng 2008 at dito nag-umpisa ang pagiging mag-best friend nina Angel at Dimples.
Si Angel din ang karamay ni Dimples nang itakbo niya ang mister na si Boyet Ahmee sa hospital nu’ng last part ng 2019.
Si Dimples naman ang spokesperson ng celebrity couple (Angel at Neil Arce) sa nalalapit nilang kasal.