
Naglabas na ng Suggested Retail Price (SRP) ang Department of Agriculture (DA) para sa ilang agricultural products at isda kasunod ng umiiral na enhanced community quarantine.
Batay sa nilagdaang kautusan ni Agriculture Sec. William Dar, nakasaad na umiiral ang price freeze sa bigas at iba pang agricultural commodities sa Metro Manila.
Dahil dito, ang SRP sa bangus ay P162 per kilo, tilapia ay P120, galunggong P130 per kilo, baboy ay P190, manok ay P130, asukal (refined) ay P50 per kilo, asukal (brown) P45, sibuyas (red) ay P95 per kilo at bawang (imported) ay P70, bawang (local) ay P120.
Sa imported na bigas naman, ang SRP ay: special P51 per kilo, premium P42, well milled P40, regular P39.
Para naman sa lokal na bigas, kung special ay P53 per kilo, premium ay P45, well milled ay P40, sa regulay ay P30. Habang ang NFA rice naman ay P27 per kilo.
Ang lokal na galungong ay P130 per kilo, pork liempo ay P225, chicken egg (medium) P6.50, mantika (30ml) ay P24, sa 1 liter ay 50.
Magiging epektibo ang nasabing SRP matapos itong mailathala sa mga pahayagan.