Nakarekober na si PBA legend Nelson Asaytono matapos siyang atakihin sa puso nitong nakaraang araw, ayon kay veteran player agent Danny Espiritu.
Nabalitaan umano ito ni Espiritu kay Bong Alvarez na dating teammate ni Asaytono sa Philippine National Team ang nangyari sa 53-anyos na PBA star.
“Yes (he suffered from a heart attack) but Bong said he’s okay already. Though 4 days ago, he (Asaytono) was still in the ICU,” saad ni Espiritu noong Sabado de Gloria.
Si Asaytono ang second overall pick noong 1989 PBA rookie draft class, nakapaglaro ng 17 seasons sa pro league. Naging bahagi siya ng San Miguel Beer (alumni players) na lumahok pa noong 2019 UNTV Cup PBA Legends face off. Ang iba pa niyang dating team ay ang Alaska, Purefoods at Ginebra.