top of page
Search

Mapapa-wow ka sa dami ng health benefits... Alagaw, panggamot sa ubo, sugat at TB, oks ding feminine

Govinda Jeremaya

Halamang Gamot atbp. ni: Govinda Jeremaya

“Wow” ang magiging reaksyon mo kapag nalaman mo ang natatagong kakayahan ng alagaw sa mundo ng herbal medicine.

Bibihira ang nakakapansin sa halamang alagaw, pero kahit paano may nakakikilala rito dahil ginagamit ito sa pagluluto ng ilang putahe tulad ng sinigang, pinakuluang isda at sa pagluluto sa mga sangkap na malansa dahil ito ay may kakayahang alisin ang malansang lasa ng nilutong pagkain.

Sa ganyang paraan nakilala ang alagaw, pero may mga nakatagong galing at husay ang halamang ito na tiyak na mapapabilib ka at mapapa-wow kapag nalaman mo.

Ang dahon ng alagaw ay may mabangong yellowish-green essential oil at kada-dahon ay nagpo-produce ng .2% yellowish-green essential oil. Ito rin ay may iridoid glycosides at rhamnopyranosyl catalpol. Gayundin, mayroon itong catalpol and asystasioside E from a 1-butanol-soluble fraction ng methanol extract ng dahon.

Bukod pa sa isolated acyclic monoterpenediol diesters, premnaodorosides A, B and C, na may kasama pang phenethyl alcohol glycosid, verbscoside, isoacteoside, bioside at cistanoside F.

Mayroon pa itong premnethanosides A and B, premnaodorosides A, B at C, premnosides, caffeoyl, rhamnopyranosyl catalpol. Taglay din nito ang steroids, terpenoids, flavonoids at hydrolysable tannins.

Ang mga nabanggit sa itaas ang dahilan kung bakit ang alagaw ay may sudorific, pectoral, carminative, antimicrobial, antiviral, cardiotonic, anticoagulant, hepatoprotective, antitubercular, antitumor, antimutagenic, anti-parasitic, antioxidant properties.

Dagdag-kaalaman: Sa maraming probinsiya rito sa Pilipinas, ang alagaw ay ginagamit na pantanggal ng plema at ubo. Ngayong may COVID-19 sa atin, puwedeng subukan ang bisa ng alagaw para mawala ang plema at ubo na kabilang sa mga sintomas ng COVID-19.

Ang mga etnic na kung tawagin ay ayta, aita o ita na nasa Bataan at Zambales ay gumagamit ng dahon at usbong ng alagaw para mapabilis ang paggaling ng kanilang mga sugat.

Pinakukulaan ang mga dahon ng alagaw at palalamigin nang kaunti para mabilis ding malunasan ang pagdurugo ng mga sugat.

Sa Aurora province, ginagamit ang dahon at balat ng sangay ng alagaw sa mga sugat at iba pang klase ng sakit sa balat.

Sinasabi ring ang katas ng pinakuluang dahon ng alagaw ay mabisang gamot sa tuberculosis.

Epektibo rin bilang feminine wash ang decortion o pagpapakulo sa dahon ng alagaw laban sa fungus at yeast infections.

Akala ng iba, sa pagluluto lang nagagamit ang alagaw, pero dahil sa mga kaalaman na nabanggit, sure na mapapa-wow ka sa alagaw.

Good luck!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page