top of page

Balete tree, ‘di dapat katakutan dahil napakaraming health benefits

  • Govinda Jeremaya
  • Apr 5, 2020
  • 2 min read

Halamang Gamot atbp. ni: Govinda Jeremaya

President Franklin D. Roosevelt said, “The only thing we have to fear is fear itself.”

Sa lahat ng klase ng puno, ang pinakakinatatakutan ay ang Balete tree. Nakatanim na sa kamalayan ng mga Pinoy na ang puno ng Balete ay tinitirahan ng mga engkanto, maligno, aswang, multo, white ladies at iba pang kampon ng kadiliman.

Pero sa totoo lang, ang Balete tree ay punong halaman lang at walang dapat na katakutan dito, kaya masasabing unreasonable ang takot ng mga tao dahil ang kanilang takot ay nasa isip lang.

Gayundin, dapat tayong magpasalamat sa Balete tree dahil ang punong ito ay may medicinal value.

Ayon sa mga pag-aaral na isinagawa ng mga botanist, ang Balete tree ay may antioxidant properties at cytotoxicity, anti-microbial at hemolytic potential. Natuklasan din na ang Balete tree ay may Phenolic at HPLC na malalakas at panlaban sa radical elements na nakapasok sa katawan ng tao. Taglay nito ang chlorogenic, p-coumaric, ferulic and syringic acids sa roots o ugat ng Balete.

Mayroon ding chlorogenic p-coumaric and ferulic acids sa stem at caffeic acid sa dahon.

Bukod pa sa ang Balete, may .2% tannin sa balat o bark at Latex na may 30% caoutchouc, along with 59% sa resin. Mayroon ding wax na may cerotic acid.

Samantala, sa dahon, balat at fruits ng Balete, may makukuhang cinnamic acid, lactose, naringenin, quercetin at stigmasterol. Ang mga ito ay nagsasabing ang Balete tree ay gamot sa mga sakit sa balat, nakapagpapagaling sa mga sugat, pantangal ng mga kulugo at nagpakinis ng skin.

Kaya kapag nakakita ka ng Balete tree, sumaludo ka, as in, magbigay-galang ka hindi dahil nakatira sa Balete ang mga kung anu-anong nilalang kundi dahil ito ay may medicinal benefits para sa mga tao.

Muli, the only thing we have to fear is fear itself, ibig sabihin, huwag mong takutin ang iyong sarili kapag nakakita ka ng Balete tree.

Good luck!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page