
Halamang Gamot atbp. ni: Govinda Jeremaya
“The new saying says, two banana a day keeps the doctor away.”
Tinalo ng saging ang mansanas dahil mas sikat ito ngayon dahil napatunayan na mas maraming medicinal benefits ang saging.
Mas pinipili ng mga may sakit ang kumain ng saging kaya naman ito ay best-seller fruit sa buong taon, kumbaga, tag-araw, tag-ulan, tag-init o tag-lamig, ang saging ay in na in.
Kahit saang bahay ka pumunta, may makikita kang saging sa ibabaw ng kanilang lamesa. Kahit sino ang iyong tanungin, saging ang kanilang paborito sa lahat ng prutas.
Pero ano ng ba ang sikreto kung bakit bidang-bida ito?
Ayon sa mga eksperto, sa buong mundo, dalawang sakit ang pangunahing pumapatay sa mga tao.
Ito ay ang blood pressure at ang ikalawa ay ang sakit sa puso.
Taglay ng saging ang potassium na sangkap sa mga maintenance drugs para sa mga may high blood pressure. Ang isang saging na pangkaraniwan ang sukat ay may 320-400mg ng potassium.
Gayundin, ang potassium ay may kakayahang panatiliing nasa magandang kondisyon ng puso.
Dahil dito, ang saging ay masasabing “isang putok, dalawa ang tinamaan”.
Pero sa totoo lang, marami at hindi lang dalawa ang karamdaman na nalulunasan ng saging dahil ito ay nagtataglay ng mga sumusunod na sustansiya:
Potassium - 9% RDI (recommended daily intake)
Vitamin B6 - 33% RDI
Vitamin C - 11% RDI
Magnesium - 8% RDI
Copper - 10% RDI
Manganese - 14% RDI
Carbs - 24g
Fiber - 3.1g
Protein - 1.3g
Fat - 0.4g
105 - calories
Dagdag-kaalaman: Sa pagpili ng saging, gawing panuntunan ang sinasabing inner beauty must be prioritized. Kumbaga, huwag mong piliin ang saging na maganda sa paningin dahil ang saging na pangit sa paningin ay ang mas masarap at mas matamis.
Good luck!