top of page
Search

PNP nagbago ng isip, lumalabag sa curfew, kulong!

V. Reyes

Nagbago na ang isip ng Philippine National Police (PNP) at muli na namang huhulihin ang mga lumalabag sa curfew sa gitna ng pinaiiral na enhanced community quarantine sa Luzon.

Ayon kay Police Lt. General Guillermo Eleazar, commander ng Joint Task Force Coronavirus Shield, patuloy ang pagdami ng mga pasaway sa curfew hours.

Nakiusap na rin aniya sa PNP ang ilang lokal na pamahalaan na higpitan pa ang curfew upang mapasunod ang mga residente sa kanilang nasasakupan sa mga panuntunan ng Luzon-wide quarantine.

Bukod dito, sinabi ni Eleazar na isinaaktibo na rin ang online inquest ng Department of Justice (DOJ) kaya mapoproseso na ang mga mahuhuli at makukulong dahil sa hindi pagsunod sa curfew.

Nauna nang nagdesisyon ang PNP na luwagan ang pagdidisiplina sa mga lumalabag sa curfew at payagan silang makauwi matapos maisadokumento ang paghuli sa halip na ikulong dahil na rin sa masikip na mga jail facility at limitado lang ang mga tauhan ng DOJ.

“Just imagine if, shall we say a quarter of these violators are already virus carriers, they will not only endanger the health and the lives of our policemen and other people manning the quarantine control points but also the health workers and other frontliners who are exempted from the quarantine,” ani Eleazar.

“Based on our assessment, the number of curfew violators will just continue to rise if we become lenient on them. This will definitely defeat the purpose of the declaration of the enhanced community quarantine which President Duterte approved purposely to contain the COVID-19,” dagdag ng heneral.

Umaapela pa si Eleazar sa publiko na upang hindi maabala ay makabubuting manatili na lamang sa bahay lalo na sa panahon ng curfew.

“Our message to the public is clear, we will continue to arrest any person who will violate the curfew,” diin ni Eleazar.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page