Hindi na marahil masisisi pa ang International Olympic Committee (IOC) kung sa London ay nagkaroon ng dalawang positibo sa coronavirus mula sa isang Olympic boxing qualifying ngayong buwan.
Kinumpirma ng Turkish boxing federation sa Associated Press na isang boxer at kanyang trainer ay nahawaan ng virus matapos dumalo sa Olympic qualifying tournament na nagtapos na noong Marso 16, tatlong araw makaraan ang 11-araw ng torneo.
Sa isang statement, sinabi ng IOC na hindi pa alam kung saan nila nakuha ang naturang impeksiyon.
“Many participants were in independently organized training camps in Italy, Britain and in their home countries before the competition started on March 14 and have returned home a while ago,” saad ng Olympic body.
Inako ng IOC ang qualifying tournament nang suspendihin nila ang AIBA, ang task force na inatasang mag-organisa ng pandaigdigang serye ng qualifying tournaments kung saan ang London ang host para sa European round.
Itinuturo ng IOC ang British government dahil pinayagan nilang ituloy ang boxing tournament sa London.
“At the time of the European qualifier in London, there were many sports and other events going on in Britain because there were no governmental restrictions or advice on public events in place,” dagdag pa ng IOC.
Sa panahon ding iyon ay tuloy pa rin ang Champions League game sa Liverpool at horse racing sa Cheltenham kahit may COVID-19 outbreak.