top of page
Search
Lolet Abania

May pag-asa pa... COVID-19, nakamamatay pero kayang labanan

Matinding pagsubok ang nararanasan ng buong mundo magmula nang kumalat ang sakit na Coronavirus Disease 2019 o COVID-19. Napupuno ng pangamba ang mga puso at takot sa mga isipan na maaaring isang araw, sa pag-uwi sa kanilang tahanan ay tinamaan na ng nakahahawang sakit.

Habang isinusulat ang artikulong ito,

Sa naitatalang record ng coronavirus case sa buong mundo, mayroon nang 422,913 cases kung saan 18,905 ang namatay at 109,143 ang nakarekober at patuloy na tumataas ang kaso ng virus.

Sa ating bansa sa ngayon, umabot na sa pinakamataas na bilang na 552 cases, 35 rito ang namatay 20 ang nakarekober. Ang dalawa sa naka-survive ay si PH4 at PH15 kung saan dalawa rin sila sa mga unang naging kaso sa Pilipinas ng coronavirus. Naikuwento ng dalawa ang kanilang pinagdaanan upang labanan ang sakit na ito.

Si PH 4 na nakilalang si Atty. Carlo Navarro, unang Pinoy na nakumpirmang positibo sa COVID-19.

Nagpunta si Navarro sa Japan at kampante siya dahil wala pang kumpirmadong kaso ng sakit doon.

Noong March 3, nang makabalik ng Pinas, nakaramdam na siya ng chills o panlalamig ng buong katawan at nagkaroon siya ng sinat, 37.7 C. Agad niyang naisip magpa-test para sa COVID-19 kaya pumunta siya sa St. Luke’s. Hindi siya tinest noong una, pero ipinilit niya na magpa-test kaya sinuri siya ng ospital. Umuwi siya sa kanyang bahay at doon siya nakaramdam ng pananakit ng katawan at matinding ubo. Nakatanggap din siya ng tawag nang gabing ‘yun mula sa Department of Health (DOH) at kinuha siya ng ambulance papunta sa RITM sa Alabang at nanatili siya ng ospital ng dalawang linggo. Lahat ng nakasalamuha niya ay sinuri na naging negatibo at asymptomatic.

Sa ospital, nakaranas siya ng pagsusuka, napakatinding pag-ubo, sakit ng ulo at mataas na lagnat. Pinaiinom siya ng gamot, inalagaan ng mga nurse at doktor at nilagyan siya ng dextrose na may anti-bacterial. Sa ika-15 araw, siya ay na-discharge mula sa ospital at wala nang sintomas ng COVID-19. Aniya, “I am thankful for the prayers and well wishes of friends and family. Stay positive, always talk to your family. Be strong, though there’s psychological pressure and frightened. Have faith and believe that you will be better.”

Samantala, si PH 15, lalaking 25-anyos at nagtatrabaho sa Makati, at tulad ni PH4, siya ay nag-abroad din sa United Arab Emirates. Noong Pebrero 29, nakaranas siya ng mataas na lagnat, ubo at sipon at nakaramdam din siya ng pananakit ng katawan. Pumunta siya sa Makati Medical Center para magpa-check-up at sinuri siya para sa COVID-19 at nagpositibo kaya tinawagan siya ng DOH at dinala sa RITM.

Sa ospital noong una, nabuo sa kanyang isip ang sobrang takot at nagtatanong sa sarili na bakit siya pa? Habang naka-quarantine sa ospital, inalagaan siya ng mga doktor at nurse. Pinaiinom siya ng paracetamol, cough suppressant, anti-viral drugs at vitamins. Gayundin, palagi siyang kinukumusta ng pamilya at mga kaibigan at dito niya naisip na hindi ito ang end of the world.

Matapos ang walong araw, tinest ulit siya nang dalawang beses at na-discharge rin. Sabi ni PH15, “Sa public, magdasal, magtulungan, magmahalan at huwag maglamangan. Salamat sa mga doctor, nurse, staff at frontliners ng Makati Med, at kapag may sintomas, lumayo na sa mahal sa buhay, at sa mga kaibigan ko na hindi ako iniwan at lagi akong dinadalaw sa ospital, salamat. ‘Di ako magkakaroon ng lakas ng loob kundi dahil sa Diyos. Thank you Lord for the gift of life.”

Ang COVID-19 ay talagang nakapagbibigay sa sinumang tamaan nito ng panghihina, hindi lang ng immune system pati ang kawalan ng pagtitiwala. Huwag nating hayaan na matalo tayo nito. Palagi tayong magtiwala na may mabuting Diyos na nagbabantay at Siyang tunay na magliligtas sa atin at ang pagdarasal ay makapangyarihan.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page