top of page
Search
Ronalyn Seminiano

Lagnat ni Marvin, may ibang dahilan, ‘di COVID-19


Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Nag-post si Marvin Agustin sa Twitter ng update sa kanyang kalusugan after makaramdam ng mga sintomas ng COVID-19.

Aniya, “Just woke up. Bagsak ako, tulog nang tulog. Tail end na of my flu. No more fever. Wala namang shortness of breath. Kaya sabi ng DOH at doctor ko, mukhang normal flu, pero quarantine pa rin para sigurado.

“Ingat kayong lahat. We are stronger than this crisis.

“Salamat sa lahat ng nangumusta at nag-alala. God bless us all!”

Biro pa ni Marvin, “Ngayong quarantine, na-realize ko na mahirap pala ang ginagawa ng mga tambay… nakakabaliw…”

Samantala, tulad ng Unkabogable Star na si Vice Ganda, may paalala rin si Marvin sa mga netizens.

Aniya, “Guys, ang social media ay parang totoong buhay. Isipin muna bago magsalita, manghusga o mag-‘cancel’. Tayo mismo ang nagiging BULLY sa makikitid nating pag-iisip. Wala ni isa sa ‘tin ang walang bahid ng kamalian. CHILL. RELAX. ‘WAG MAKIPAG-CONTEST SA KABIGATANG DALA NI VEERUS (virus)!”

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page