top of page
Search

Pagligo ng mainit na tubig, ‘di oks para makaiwas sa COVID-19

Jersey Sanchez

Habang lumilipas ang mga araw, parami nang parami ang nagkakaroon ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) hindi lang sa ating bansa kundi maging sa iba’t ibang panig ng mundo, kaya idineklara ng World Health Organization (WHO) na “pandemic” ang sitwasyon.

Kasabay nito, marami pa rin tayong kababayan na naniniwala sa mga sabi-sabi o fake news kaya nagiging sanhi ito ng pagpa-panic at takot sa publiko.

Kaya, narito ang ilang katotohanan tungkol sa COVID-19 na dapat nating malaman: 1. PAGLIGO GAMIT ANG MAINIT NA TUBIG, ‘DI OKS. Sey ng mga experts, ang pagligo gamit ang mainit na tubig kapag mainit ang panahon ay maaaring makasama sa ating kalusugan dahil imbes ma-refresh ang ating pakiramdam, nakaka-dehydrate ang mainit na tubig. Pinakamabisang paraan pa rin para makaiwas sa COVID-19 ay ang regular at wastong paghuhugas ng mga kamay. Gayundin, gawin ito tuwing pagkagaling sa labas, pagkatapos gumawa ng gawaing bahay at humawak sa mga gadgets. 2. HINDI NAKUKUHA ANG COVID-19 SA KAGAT NG LAMOK. Dengue lang ang peg? Mga besh, wala pang pag-aaral na nagpapatunay na kayang i-transmit ng lamok ang virus. Pero bagama’t hindi nakukuha sa kagat ng lamok ang COVID-19, panatilihin nating malinis ang ating tahanan para hindi pamugaran ng lamok at makaiwas sa iba pang mga sakit. 3. HINDI LANG MATANDA ANG TINATAMAAN NG SAKIT. Nabalitaan n’yo na ba ang kaso ng COVID-19 sa sanggol? Kung oo, patunay ito na hindi lang matatanda ang puwedeng tamaan nito. Lahat ng tao ay puwedeng magkaroon ng sakit na ito, gayunman, matatanda at bata ang may mas mataas na tsansa na tamaan ng virus dahil sila ‘yung mahihina ang immune system. Dahil dito, magpalakas tayo ng resistensiya sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sapat na tulog, pag-inom ng maraming tubig, pag-inom ng bitamina at pagpapanatili ng proper hygiene sa katawan. 4. ANTIBIOTICS, HINDI GAMOT SA COVID-19. Ayon sa mga eksperto, wala pang gamot, antibiotic o vaccine na panlaban sa COVID-19.

Oh, mga besh, kesa magpapaniwala sa sabi-sabi, alamin muna ang katotohanan para hindi kayo mabiktima at mandamay pa ng iba. Mas mabuti nang pagmulan tayo ng tamang impormasyon kesa sumikat sa socmed dahil sa pagpapakalat ng fake news.

Siguraduhing ibabahagi n’yo sa inyong mga kaibigan at kapamilya ang ilang kaalaman na ito nang sa gayun ay tama at totoong impormasyon ang paniniwalaan natin. Ayos ba?

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page