top of page
Search

Wa' raw paki kung may anak man sina Julia at Coco… Hirit ni Melissa: Ano naman yun sa atin?

Ador Saluta

Photo: @mellyricks09

Sa kanyang pagbabalik-showbiz, makakasama ni Melissa Ricks sa seryeng 24/7 ang kapwa Star Magic artist na si Julia Montes. Aminado ang aktres na na-miss niya ang pagganap sa TV at sa bagong proyekto, at masaya raw siyang nakasama ang matagal nang kaibigang si Julia.

“Siyempre, sobrang okay. Sobrang love ko si Julia. That’s the only reason why pumayag po ako na tanggapin ‘yung show,” bungad ng aktres. Hindi na raw siya dapat babalik pero dahil sa suporta ng kaibigan, umoo agad si Melissa.

Si Melissa ay produkto ng ABS-CBN artista search na Star Circle Quest noong 2004. Bago ang kanyang pagbabalik sa 24/7, ang huling teleserye na ginawa niya ay ang Honesto noong 2013 at ang last niyang TV appearance ay sa Ipaglaban Mo noong 2015.

Ang 24/7 ay comeback project din ni Julia pagkatapos ng halos dalawang taon. Ayon kay Melissa, kapag off-cam sila sa location, napag-uusapan nila ni Julia ang kani-kanilang mga personal na buhay.

Napag-usapan din kaya nila ang tungkol sa balitang may anak na si Julia kay Coco Martin?

Tugon ni Melissa, “Hindi ako nangingialam sa mga ganyang issue. Kung totoo man o hindi, what is that to us, ‘di ba?”

At sa pansamantalang pagkawala ni Julia sa showbiz dahil sa balitang nanganak daw ang aktres, sabi ni Melissa ay nagpahinga lang ang kaibigan dahil sa sunud-sunod na proyektong ginawa nito.

Aniya, “She took a break. She deserves the long break.

“Siyempre, after Walang Hanggan [2012], sunud-sunod din ‘yung mga projects niya.

“Wala siyang pahinga. She deserves going to Germany and visiting her dad.”

Napagkuwentuhan din ba nila ang tungkol sa diumano’y relasyon ni Julia kay Coco?

“Siya siguro ang tanungin n’yo, hindi ako. Kayo, oh, hinuhuli n’yo ako, ha? Bakit ako?” natatawang pag-iwas ni Melissa.

Saad pa ni Melissa, “Siyempre, lahat naman tayo, friend ni Coco at ni Julia. But, you know, hindi ko na ano ‘yun, siyempre, kung ano man ang sa kanila.”

Isa si Melissa sa mga naimbitahan ni Ara Mina na mag-cut ng ribbon sa ika-apat na branch ng pastry shop/restaurant nitong Hazelberry Cafe noong March 8 na matatagpuan sa Molito Lifestyle Center, Alabang, Muntinlupa City at dito siya nakapanayam ng press.

 
 

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page