top of page
Search
Mylene Alfonso

Suplay ng pagkain tuloy, walang taas-presyo.. Huwag mag-panic buying


Walang dahilan umano para mag-panic-buying ang nasa 13 milyong mamamayan sa Metro Manila dahil hindi mapuputol ang suplay ng pagkain at mga pangunahing pangangailangan.

Ito ang tiniyak kahapon ni Trade Secretary Ramon Lopez sa press briefing sa Malacañang.

Tiniyak din ng kalihim na bukas ang mga bangko, tanggapan at mga factories bagaman, hinihikayat nila na magkaroon ng flexible work arrangement lalo na sa mga tanggapan.

Tiniyak din ni Lopez na bukod sa mga bangko, hindi rin matitigil ang operasyon ng stock market.

Papayagan ding pumasok sa Metro Manila ang mga sasakyan na may dalang cargo at puwede silang makalabas kung makakapagpakita ng delivery receipt.

Siniguro rin nito na hindi tataas ang presyo ng mga bilihin sa susunod na 60 araw matapos ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang public health emergency.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page