Muling nagpatupad ng malakihang bawas-presyo sa produktong petrolyo, kahapon ng tanghali.
Sa kanilang advisory, nagbawas ng P3 kada litro ng diesel at gasolina ang Phoenix Petroleum, epektibo kahapon ng alas-12:00 ng tanghali (Marso13).
Ang nasabing rollback ay kaugnay ng paggalaw ng presyo sa world market.
Samantala, Martes ng umaga madalas na ipinatutupad ang price adjustment ng mga kumpanya ng langis.