Walang Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding sa lahat ng uri ng sasakyan.
Ito ang inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) simula kahapon, Biyernes.
Suspendido ang number coding scheme para sa lahat ng uri ng behikulo, pampubliko man o pribado at hindi naman sinabi kung kailan babawiin.
Ayon kay PIO Director II Sharon Gentalian ng MMDA, ang pagsuspinde sa number coding ay kasunod ng anunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na naglalagay sa NCR sa community quarantine simula sa Marso 15, 2020.