top of page
Search
Thea Janica Teh

Smart, Sun at TNT, may free access sa mga kostumer sa DOH website


Bulgarific

Hello, Bulgarians! Muling itinanghal bilang pinakama­bilis na fixed at mobile internet networks sa Pilipinas ang PLDT at Smart ayon sa Ookla, ang nangungunang kumpanya pagdating sa internet testing at analysis.

Ayon sa pagsusuri ng Ookla gamit ang mga Speedtest na isinagawa sa loob ng huling anim na buwan ng 2019, nagtala ang Smart ng Speed ScoreTM na 18.13, average download speeds na 20.42 Mbps at average upload speeds na 9.87 Mbps. Base ito sa 1,822,401 user-initiated tests gamit ang Speedtest at LTE-capable devices sa bansa noong Q3-Q4 2019.

Ayon sa Ookla, nagtala rin ang PLDT ng Speed Score na 25.03, top download speeds na 62.87 Mbps at top upload speeds na 80.07 Mbps. Ito naman ay base sa 29,505,821 Speed­test noong Q3-Q4 2019. Mas tumaas pa ito kumpara noong Q1-Q2 2019 kung saan nagtala ng Speed Score na 17.07 ang Smart at 20.44 ang PLDT.

“Ang mga lumabas na resulta sa mga ginawang test ay patunay lamang na naaabot na natin ang ating goal na mas mapaganda ang service quality na mae-enjoy ng bawat customer. Bukod sa pagpapalawak ng coverage, nagawa natin na mas ma-enjoy at ma-experience ng bawat customer ang enter­tainment at matuto sa iba’t ibang online videos, mobile games at ma-boost ang kanilang online business gamit ang social media accounts,” bahagi ni Mario G. Tamayo, PLDT-Smart Senior Vice-President for Network Planning and Engineering.

Ang Ookla awards ay patunay na patuloy na nagbubunga ang pagpapalawig at pagpapaganda ng PLDT ng kanilang network. Ang parangal na ito ay dagdag pa sa ibang mga award na ipinagkaloob sa PLDT at Smart noong nakaraang taon, tulad ng “Best in Test Award” mula sa global benchmarking company na umlaut, na pinuri ang Smart sa pagbibigay ng pinakamaganda at pinakamalawak na 4G/LTE coverage at pinakamabilis na upload and download speeds sa bansa.

♥♥♥

Sa pagdeklara ng gobyerno sa State of Public Health Emergency dahil sa COVID-19 ay minabuti ng Smart, Sun at TNT na magkaroon ng libreng access ang kanilang mga customer sa Department of Health (DOH) website.

Ito ay para maging updated at tama ang makukuhang impormasyon tungkol sa COVID-19. Maaaring bisitahin ang https://ncovtracker.doh.gov.ph, www.doh.gov.ph at hindi lang ito, maaari rin nilang ma-access ang PHIVOLCS website nang libre sa www.phivolcs.dost.gov.ph.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page