Erlinda Rapadas / Teka Nga
Marami ang natutuwa sa post ni Heart Evangelista kung saan ipinakitang gumawa siya ng sariling version ng face mask na sosyal at classy na classy ang dating. Pang-yayamanin ‘ika nga, na bagay sa mga nasa alta-sosyedad.
Signature face mask na may tatak Hermes ang ginawa ni Heart. At single use lang daw ito na hindi puwedeng labhan at gamiting muli.
Tiyak, marami ang manghihinayang na bumili ng sosyal na face mask ni Heart kung single use lang. Sigurado kasing napakamahal dahil Hermes ang tatak nito.
For sure, sandamakmak na panlalait na naman mula sa mga bashers ang matatanggap ni Heart sa pagpo-post ng kanyang home-made signature face mask. Eh, kung ang mga mumurahin at ordinaryong face mask nga, halos wala nang mabili, heto si Heart, signature face mask pa ang inirarampa sa publiko.