top of page
Search
Sr. Socrates Magnus II

Right timing para magtagumpay, mga mainipin, hindi aasenso kahit may pangarap sa buhay

Bigyang-daan natin ang pagpapatuloy sa pagtalakay sa mahalagang kaganapan sa Astrology ngayong March 19, 2020. Muli, mula March 19 hanggang March 31, ang tatlong Astrological planets na sina Mars, Jupiter at Saturn ay magsasama-sama sa pagbibigay ng kanilang sinag na tatanglaw sa lupa sa madaling-araw o bago sumikat ang Haring Araw.

Tulad ng nasabi na, may kani-kanyang panahon ang lahat ng nangyayari. Kumbaga, there is time for everything at ito rin ay nagsasabing “timing is everything”.

Ito ay nagpapaalala sa ating lahat na kahit anong gawin mo, kapag wala sa tamang “timing” ay mahihirapan at mabibigo ka lang. Sa ganitong katotohanan, ipinababatid sa lahat na magandang isabuhay ngayon ang kahulugan nina Marte, Jupiter at Saturno.

Si Marte ay katumbas ng tapang at lakas ng loob kaya ngayon ang tamang panahon para maging matapang at malakas ang loob. Dapat nating tandaan na maraming tapang at lakas ng loob ang mga nasayang dahil sa maling panahon ito nagamit.

Kaya marami ang nagsasabing hindi dahil malakas at matapang ay magtatagumpay na sa buhay. Kumbaga, sangkatutak ang bilang ng matapang at malakas ang loob, pero nalugi lang ang kanilang negosyo.

Si Jupiter ang planeta ng masaganang buhay na kalakip ng katuparan ng mga pangarap. Ibig sabihin, dumating na ang tamang panahon kung kailan aani ng kasaganahan kapag sineryoso ang mga pangarap.

Marami ang nagsasabi na kapag may pangarap, gaganda ang buhay, pero marami rin ang nakaranas na may pangarap ka kaya lang, wala pa ring napala. Pero muli, sa panahon ngayon, sa March 19 hanggang 31, muli nating bigyang-buhay ang ating mga pangarap dahil ngayon ang tamang panahon para seryosohin ang ating mga pangarap.

Si Saturno naman ay katumbas ng kung sino ang naghihintay ay magtatagumpay. Ito ay nagsasabi rin kung sino ang mainipin ay mabibigo.

Muli, dumating na ang tamang panahon kung saan ang mga mapaghintay ay makikitang natatanaw na ang magagandang kinabukasan na guguhit sa kanilang kapalaran. Kaya isabuhay natin ang pagiging mapaghintay at itakwil ang pagkainip, as in, inip na inip na ang tao kaya nawawalan na siya ng pag-asa at ito ang hindi dapat mangyari sa ating buhay.

(Itutuloy)

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page