Ronalyn Seminiano / Showbiz Trend
Sumabak sa Never Have I Ever challenge ng One Music PH ang bagong Pantasya ng Bayan na si Ivana Alawi kung saan inamin niya na ilang beses na rin siyang nasaktan dahil sa pag-ibig.
Inamin din niya sa naturang challenge na katulad ng ibang babaeng sawi sa pag-ibig, dumating na rin siya sa puntong alak ang naging kasangga.
Aniya, “Kunwari nasasaktan ako, ‘yung alak minsan ang tumutulong sa akin para makatulog.”
Kuwento pa ni Ivana, maraming beses na rin daw siyang nagpakalasing.
Aniya, “Kasi ilang beses na akong niloko. Tapos pinapatawad, tapos niloloko ako ulit.
“So, suking-suki na ako sa alak ‘pag brokenhearted, lagi siyang [alak] nandiyan.”
Inamin din ni Ivana na naranasan na rin niyang maghabol sa lalaki.
Aniya, “Lagi naman, eh. ‘Di ba, kunwari dati nag-away kami ng ex ko... dating-dati pa ‘to, ‘yung college…
“Sabi ko, iinom ako para malimutan ko siya, tapos ‘pag... ‘Hello, Babe, balikan mo na ako, Babe…’
“‘Yun ‘yung istorya, tapos ayaw pa rin… Alam mo ‘yun… naloko pa rin niya ako… Binalikan niya ako, tapos niloko [ulit].”
Kahit na nakaranas ng panloloko ng ex-boyfriend, sinabi naman ni Ivana na never niyang gagawin ang manloko.
Aniya, “No. No talaga. Kasi ako, ‘pag nasa relasyon talaga, I respect my partner.
“Pumasok ako sa relasyon, so I’m fully committed to him. So, never pa at never will.”
Sa Never Have I Ever challenge rin ay natanong ang sexy actress kung naranasan na ba niyang makipagrelasyon sa teacher o professor.
Aniya, “Actually, may teacher ako, nilalandi ako dati, pero dinededma ko.
“As in, birthday ko, ite-text niya ako.
“‘Wow! Buang. May asawa. Buking kita diyan, eh!’”
Biro pa niya, keri niyang halikan ang isang taong ‘di naman niya kilala.
Aniya, “Mag-hello muna ako, ‘Ano’ng pangalan mo?’ Tapos iki-kiss ko na.
“Mukha nga lang akong malandi, pero hindi ako nakikipaglaplapan.”
Dahil sa pagiging “sexy star”, inamin din ni Ivana na marami siyang natatanggap na indecent proposals.
Aniya, “Actually, ang dami, sobra… Lalo na ngayon, parang feeling nila makukuha ka kasi, ‘di ba, I show skin… Pero dinededma ko sila and minsan, sinasabihan ko, ‘No, you cannot buy me.’
“Feeling ko, ‘yung sa akin is, you can look, but you cannot touch.”