top of page
Search
L. Abenales / M. Alfonso / G. Pleñago / M.

Mga pulitiko nag-self quarantine.. Gov't offices, isinara


Sumailalim sa self-quarantine ang ilang mi­yem­bro ng gabinete at mga opis­yal ng gobyerno kaug­nay ng COVID-19.

Ito ay matapos malantad sa kaso ng COVID-19 ang ilang cabinet officials at mga senador sa ilang public events kung saan may mga bisitang nagpositibo sa virus.

Kabilang sa mga suma­ilalim sa self-quarantine sina Department of Public Works and Highways Secretary Mark Villar, Education Sec. Leonor Briones, Central Bank Governor Benjamin Diok­no at Executive Sec. Salvador Medialdea.

Naka-quarantine din sina Bases Conversion and Deve­lopment Authority President and Chief Executive Vince Dizon, maging ang mga al­kalde na sina Manila Mayor Isko Moreno at Davao Ma­yor Sara Duterte-Carpio.

Nauna nang nag-self qua­rantine sina Senador Sher­win Gatchalian, Nancy Bi­nay, Panfilo Lacson, Imee Marcos, Francis Tolentino at Juan Miguel Zubiri ma­tapos magpositibo sa CO­VID-19 ang isang resource person sa pagdinig sa Se­na­do noong Marso 5.

Kasama rin umano sina Briones at Department of Finance Sec. Carlos Domin­guez III sa nasabing pagdi­nig.

Bumisita rin ang Presi­dential Daughter sa Senado at nakasalamuha si Gatcha­lian, na umano’y nakasala­muha ang pasyenteng nag­positibo sa COVID-19, da­hilan aniya para magpas­yang mag-self quarantine.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page