top of page
Search
Mylene Alfonso

Code Red Sub-Level 2: Mga bawal sa COVID-19.. Sumunod kayo! — P-Du30


Inianunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na itinaas na sa Code Red Sub-Level 2 ang Code Alert System sa buong bansa kaugnay sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Sa kanyang public address matapos ang Inter-Agency Task Force on the Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa Malacañang, inaprubahan at binasa ni Pangulong Duterte ang resolusyong binuo ng task force para sa pagkontrol sa pagkalat ng virus lalo sa Metro Manila.

Kabilang sa ipatutupad ang pagsuspinde ng mga biyahe papasok at palabas ng Metro Manila simula March 15 hanggang April 14.

Ang trabaho sa Executive Branch ay suspendido rin pero, kailangang may skeletal force na magbibigay pa rin ng serbisyo.

Hinihikayat din ang pribadong sektor na magkaroon ng flexible work arrangements.

Pinalawig din hanggang April 12 ang suspensiyon ng klase sa lahat ng level sa Metro Manila.

Magpapatuloy naman ang operasyon ng LRT, MRT at PNR basta magkaroon ang Department of Transportation (DOTr) ng guidelines sa social distancing sa loob ng mga nasabing pampublikong transportasyon. Bagama’t, wala naman umanong biyahe papasok at palabas ng Metro Manila.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page