Kinansela ng Professional Regulations Commission (PRC) ang mga nakatakdang licensure examinations sa Marso at Abril.
Kasunod ito ng pagdedeklara ng State of Public Health Emergency sa bansa dahil sa nagpapatuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Pinagbatayan din ang rekomendasyon ng Department of Health (DOH) at Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF) na iwasan ang mass gatherings.
Ayon sa PRC, layon nitong matiyak ang kaligtasan ng mga examinee at empleyado ng ahensiya.