Isinara na rin sa publiko ang tanggapan ng Senado at iba pang government offices tulad ng Department of Finance at Bangko Sentral ng Pilipinas.
Na-disinfect na rin ang Senate compound kahapon ng umaga bagama’t, ayon kay Senate President Vicente Sotto III, mananatiling restricted ang access ng Senado.
Hihintayin pa ni Sotto ang rekomendasyon ng Senate Sergeant at Arms tungkol sa kung sino lang ang maaaring pumasok dito.
Dalawang araw din si¬nuspinde ang trabaho sa tanggapan ng BSP mula kahapon, para ma-disinfect ito.
Sa Marso 16, naman magpapatuloy ang operasyon ng Department of Finance na nag-disinfect bilang pag-iingat kontra sa virus.
Isinara rin ang tanggapan ng Government Service Insurance System kung saan napapaloob ang tanggapan ng Senado para makasigurado.