top of page
Search
MC

Bawal ang mga tao sa PSC Facilities, no travel sa atleta


Bunga ng deklarasyon ng World Health Organization (WHO) hinggil sa sitwasyon ng COVID-19 na ngayon ay world pandemic na, naglabas ang Philippine Sports Commission ng mga direktiba, lalo na sa dalawang pangunahing pasilidad — ang Rizal Memorial Sports Complex (Manila) at ang Philsports Complex (Pasig) na pawang mga “restricted access” na upang matiyak ang kaligtasan ng national athletes, mga empleyado at publiko.

“We have to be pro-active in this situation and take these hard decisions for the safety of our athletes and employees,” paliwanag ni PSC Chairman William Ramirez sa harap ng Management Committee ng ahensiya kahapon ng umaga. Ang pagtaas ng pagkakahawahan ng virus ay naging mabilis kung kaya naging pandemic na sa ilang araw lamang.

Maliban sa mga naghahanda para sa qualifying competitions sa Olympics, lahat ng national athletes at miyembro ng junior team ay hinihiling na manatili na lamang sa tahanan at bakantehin ang mga dormitoryo bilang bahagi ng prevention plan ng ahensiya. “Only those who get an endorsement to proceed from Olympics Chef de Mission Nonong Araneta will be allowed to travel overseas,” ani Ramirez sa National Sports Associations.

Ang mga atletang magbabalik sa bansa mula sa kumpetisyon ay tatanggapin sa airport ng PSC personnel o susunduin ng bus o isasakay sa lantsa para ihatid sa kani-kanilang tahanan.

Isasailalim sila sa 14-day “preventive rest and monitoring” sa RMSC North Tower sa ilalim ng obserbasyon ng medical team ng ahensiya.

Suspendido rin ang foreign travel para sa mga atleta, coaches, officials at empleyado upang maiwasang mahawahan ng sakit. “This shall be in effect for a month, from March 14 to April 14,” ayon sa advisory na nilagdaan ni PSC Officer-in-Charge Commissioner Celia Kiram.

Ang parehong advisory ay epektibo rin sa bookings at reservations sa paggamit ng pasilidad, hindi papayagan at kanselado. Maging ang mga anunsiyo sa PSC projects, programs at events, kahit ang sponsored at organized game ng NSAs o LGUs ay indefinitely postponed.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page