top of page
Search

BGH, ibalik sa gobyerno

BRT

Aprubado na sa Kongreso ang panukalang-batas na maglalayong ibalik sa national government ang pamamahala sa Benguet General Hospital (BGH) sa La Trinidad.

Ayon kay Benguet Legislative caretaker at ACT-CIS Partylist Rep. Eric Go Yap, na siya ring may akda ng House Bill 6171 o Re-nationalizing the BGH, layunin ng panukala na maibalik sa direktang pamamahala ng DOH ang naturang ospital.

Sa ilalim ng panukala, gagawing 400-bed capacity ang ospital at dadagdagan ng pondo para makabili ito ng mga makabagong kagamitan.

Kasama rin dito ang kumpletong benepisyo ng health workers na nagtatrabaho sa naturang ospital, magandang pasilidad at iba pa na mapakikinabangan ng mga residente ng Benguet.

 
 

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page