Nakarekober na sa COVID-19 ang dalawa pang Filipino sa Hong Kong.
Ayon sa Philippine Consulate General sa HK, maituturing nang COVID-19 free ang dalawang Filipino at nailabas na ng ospital, kahapon.
Sa ngayon, dalawang Filipino COVID-19 positive patients na lang ang nananatili sa ospital.
Dahil dito, nasa anim na anila ang kabuuang bilang ng mga Filipino sa Hong Kong na isinailalim sa quarantine.
Lahat naman ng binabantayang Filipino ay nananatiling asymptomatic.