top of page
Search
ROMA AMOR

Pinagre-resign ng mister kahit maganda ang trabaho dahil wala nang time sa pamilya


Dear Roma, Ako si Lai, short for Lailani. May asawa at isang anak na ako at nagtatrabaho sa kilalang firm sa Makati and fortunately, may magandang position. I can say na nasa middle class ang family namin at maalwan ang buhay kaya sa private school nag-aaral ang anak kong babae. Ang husband ko ay employee sa isang factory at sa first five years naming mag-asawa ay talagang napakasaya at maayos ang aming samahan, pero habang tumatagal ay dumadalas ang aming pagtatalo. Umaabot na minsan sa sigawan ang simpleng usapan lang namin at palagi niyang sinasabi na mag-resign na ako sa trabaho kung hindi rin lang ako magkakaroon ng time sa kanya at sa anak namin. Aaminin kong masyado akong concentrated sa trabaho ko dahil sa work load na ibinigay sa akin. Sa tingin n’yo, dapat kong sundin ang sinasabi niya na mag-resign sa trabaho at mag-focus na lang sa family namin? Maraming salamat! —Lai

Lai, Mahalaga ang pamilya natin dahil ibinigay ito ng Diyos para may makasama tayo. Importante rin ang trabaho dahil ito naman ang pinagmumulan ng kabuhayan natin para sa ating pamilya. May mga pagkakataong maayos ang career, pero magulo ang pamilya o vice-versa at kapag ang mga ito ay hindi nagkakasundo o nagtatagpo, magkakaroon talaga ng problema. Dapat sigurong humingi ka muna ng bakasyon sa iyong trabaho at paglaanan ng oras ang iyong mag-ama. Mag-out of town kayo ng family mo para makausap mo rin nang masinsinan ang iyong mister. Ipaliwanag mo sa kanya ang maaaring mangyari kung magre-resign ka sa trabaho at siguradong maiintindihan ka niya. Gayundin, kailangan mo ng time management sa work at family at makikita mo na magiging maayos din ang lahat. Good luck!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page