Balitang naka-self-quarantine ngayon ang member ng Twice na si Tzuyu matapos itong dumating sa bahay ng parents niya sa Taiwan.
Lumabas kasi ang interview sa mother ni Tzuyu na si Huang Yen Ling sa Taiwanese media outlet na Liberty Times kung saan inamin niyang naka-self-quarantine ang anak.
Ayon sa article, dumating daw si Tzuyu sa Taiwan noong March 3 at inabisuhan na mag-self quarantine for 14 days base na rin sa Coronavirus quarantine policy ng Taiwanese authorities.
“Tzuyu is in a frustrating situation because she can’t leave the house for 14 days, but we need to cooperate with the government’s quarantine policy,” pahayag ng ina ng singer.
Ayon pa sa nanay ng Twice member, ginamit na lang ng kanyang anak ang self-quarantine period bilang bakasyon at nanood ng mga movies at nag-exercise sa bahay.
Si Tzuyu ay isang Taiwanese at pumunta ng South Korea para mag-training. Sumali siya sa Korean reality show na Sixteen in 2015 at isa sa 9 na top participants kaya naman nakasama siya nang buoin ng JYP Entertainment ang girl group na Twice along with 8 other members na sina Nayeon, Jeongyeon, Momo, Sana, Jihyo, Mina, Dahyun at Chaeyoung.