Iminumungkahi ng isang kongresista na ipagbawal muna ang pakikipaghalikan sa gitna ng pangamba na magkahawahan ng COVID-19.
Partikular na pinatutungkulan ni dating Health Secretary at ngayo’y Iloilo Representative Janette Garin kung ang isa sa mag-asawa o mag-boyfriend na may sintomas ng ubo, sipon, pananakit ng lalamunan at lagnat.
Aniya, kung tutuusin ay marumi ang pakikipaghalikan.
“Kung ikaw ay may ubo, masakit ang lalamunan, lagnat, sipon, huwag halikan ang asawa, boyfriend o girlfriend. Huwag po tayong mahiya na sabihin na while kissing is enjoyed by some, kissing is actually dirty,” ani Garin.