Kumbinsido si Pangulong Rodrigo Duterte na makagagawa na ang mayayamang bansa ng vaccine kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Sa kanyang talumpati sa General Assembly of the League of Municipalities of the Philippines (LMP) sa Pasay City, sinabi ng Pangulo na siguradong nagkukumahog na ang Russia, Amerika at Japan para makabuo ng vaccine.
Tiniyak ni Pangulong Duterte na araw na lamang ang binibilang para mabuo ang vaccine lalo’t masyadong advance na ngayon ang siyensiya.
Dagdag ng Pangulo, brightest of the brightest ang Amerika, Russia at Japan pagdating sa siyensiya.
“With the great strides now of science, in a matter of days, I’m sure that Russia where the brightest of the brightest, America, Japan, they are working overtime to come up with the vaccine,” ani Pangulong Duterte.
“It takes time pero, kaya na ng mundo, kaya na ng mga gobyerno, especially those who are rich in technology,” paliwanag pa ng Punong Ehekutibo.