top of page
Search
Thea Janica Teh

Etiqa, katuwang ng SSS para sa insurance ng mga retiree-pensioners


Bulgarific

Hello, Bulgarians! Kamakailan ay inanunsiyo ng Social Security System (SSS) na tuluy-tuloy pa rin ang pakikipagtulungan nito sa Etiqa Life and General Assurance Philippines, Inc. (Etiqa) sa katatapos lamang na ceremonial signing ng Memorandum of Agreement (MOA) noong March 5, 2020 sa SSS Building, Diliman, Quezon City.

Ang Etiqa o AsianLife & General Assurance Corporation ang naging credit insurance partner ng SSS mula nang ilunsad ang Pension Loan Program (PLP) noong September, 2018. Layunin ng PLP na bigyan ng tulong-pinansiyal ang mga SSS retiree-pensioners para sa kanilang miscellaneous expenses. Mula sa naturang guidelines, ang mga SSS pension loan borrowers ay covered ng Group Credit Life Insurance. Kasama rito ang full amount ng loan sa biglaang pagkamatay ng pension-borrower. Ibig sabihin, ang outstanding balance ng loan ay mababayaran na kahit ilang buwan pa ang naaprubahan na pension loan. Mula October, 2019, ang mga retiree-pensioners ay maaaring mag-avail ng maximum amount of P200,000 na maaaring bayaran ng dalawang taon o 24 monthly installments.

Present sa ceremonial signing ng MOA sina SSS Business and Development Loans Department Manager III Ma. Gracia G. Abas, SSS Lending and Asset Management Group Senior Vice-President Pedro T. Baoy, SSS Investments Sector Executive Vice-President Rizaldy T. Capulong, Etiqa President and Chief Executive Officer Rico T. Bautista, Etiqa Chief Financial Officer and Treasurer James Patrick Q. Bonus at Etiqa Group Marketing Department Manager Jeremy B. Ramirez.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page