Beth Gelena / Bulgary Files
Sinabihan si Angeline Quinto ng netizen na ‘wag maging choosy dahil hindi naman daw kagandahan ang singer.
May ipinost na quote card si Angeline sa kanyang socmed account na: “One day you will find someone who is willing to try. That person will stay.”
Nilagyan niya ito ng caption na: “#ThankyouLordforeverything.”
Komento naman ng netizen, “Paano ba naman? Ang tagal kang sinuyo ni Erik kaso binasted mo. Arte much?
“Don’t be choosy kasi hindi ka naman kagandahan.”
Sinabi pa ng netizen na ‘wag siyang maghanap ng Brad Pitt kung hindi naman daw siya si Angelina Jolie.
Sinabihan ni Angeline ang netizen na tumigil dahil hindi naman daw nito alam ang tunay na nangyayari sa kanila ni Erik Santos.
Sabi ni Angge, “Kalma. Wala po kayong alam.”
Sarkastikong dugtong pa ni Angeline: “Mag-ingat sa corona at ‘wag puro chismis, Dai.”
Nabalita kasi noon na naging malapit sa isa’t isa sina Erik at Angge (pet name ng singer).
Boto raw kasi ang netizen sa kanilang dalawa ni Erik. Nanghinayang siya dahil hindi nagkatuluyan ang dalawa.
Nasabi na dati pa ni Angge na hanggang MU lang sila ni Erik. Hindi raw sila dumating sa punto na committed sa isa’t isa dahil mas priority niya noon ang kanyang career.
At that time rin daw, sinasabi ni Erik na gusto na niyang mag-asawa, siya lang ang umaayaw