
Kanselado ang mga events sa entertainment industry dahil sa biglaan at mabilis na pagkalat ng Coronavirus sa Metro Manila. Partly na-paralize ang showbiz dahil sa kumalat na virus.
Isa sa mga nakansela ay ang Budakhel LIVE: The Best of the ‘90’s concert nina Bugoy Drilon, Daryl Ong at Michael Pangilinan sa Resorts World Manila’s Newport Performing Arts Theater.
Originally, sa March 20 na dapat ang concert nila. But we were informed ng mga producers ng show na ini-reschedule nila ang event to a later date in view of the COVID-19 situation.
Ang mga nabiling ticket(s) for the concert ay io-honor daw nila ‘pag may definite date na while details on the rescheduled date will be announced soon.
Naunawaan naman ng tatlong singers ang mga pangyayari. Sey nga ni Daryl, kung ano raw ang makakabuti at mas mainam sa lahat, go lang siya.
“‘Yung una kasi namin ni Bugoy (Drilon), dalawa lang kami. Dapat kasama rin doon si Michael pero hindi nagtugma ‘yung schedule niya para sa concert. Kaya kami lang muna ni Bugoy,” kuwento ni Daryl.
Sa pagsasama nilang tatlo sa concert for the first time, maiiba ang line-up ng mga songs.
“Now, may mga ilang kanta kami ni Bugs (Bugoy) na mare-retain. Pero may papalitan din kami. Kasi napansin namin na konti ‘yung OPM. So, mas maganda na mas maraming OPM this time. And at the same time, si Khel siyempre, may iba siyang line-up. May mga prod na dati kaming dalawa lang ni Bugs, ngayon isasama na si Khel siyempre. So, very interesting din kung ano ‘yung mangyayari sa hatian (ng song).”
Wish ni Daryl na makapanood ang anak niya na nasa U.S. sa concert ng BuDaKhel. It’s been three years. Eight years old lang kasi ‘yung bata nu’ng huling makita nang personal ni Daryl.
That was the time nu’ng isinama siya ni Vice Ganda sa U.S.. Ito rin ang naging mitsa kaya na-link si Daryl kay Vice.
“Oo nga po, eh. Close kasi kami ni Vice. Nami-miss ko na nga ‘yun. Ngayon, hindi na kami masyadong nakakagimik,” sey ni Daryl.
Once pa lang daw niya na-meet ang karelasyon ni Vice na si Ion Perez. At hindi pa raw sina Vice at Ion that time na nagkasama sila.
“Ngayong sila na? Hindi pa. Sana nga, eh. Sana nga ma-meet ko siya. Hindi ko alam kung saan sila masyadong (nagpupunta). Hindi na yata masyadong umiinom si Vice. Sa Showtime, nagkikita kami. Pero kasi, mas nae-enjoy ko ‘pag wala sa work. Kasi, oo, siyempre, parang mas natural. Kuwentuhan lang.”
Inamin ni Daryl na ilang beses din siyang sumama kay Vice ‘pag gumigimik ang komedyante.
“Hindi ko kinakaya kasi minsan, 5 AM, 6 AM sila natatapos. So, eh, hindi naman ako masyadong umiinom.”
Tinanong din namin si Daryl kung masaya ba siya sa relasyon ni Vice kay Ion.
“Oo naman. Sobrang happy.”
Happy din ang love life ni Daryl sa piling ng girlfriend niyang si Dea Formilleza. Ilang taon na rin silang magkarelasyon. And yet, ‘di pa raw nila planong magpakasal.
“Work muna,” ngiti niya.
“At saka, siya rin kasi gusto pa niya, actually, gusto niyang mag-flight attendant. Kaya lang, nagkaroon ng coronavirus. Ang daming hindi makapag-travel.”
Pero sana raw, two years from now ay puwede na niyang pakasalan si Dea.
“Kasi, magte-33 na ako nitong March. Eh, siya naman, bata pa siya, 26 siya. Saka ako naman, ready, gusto ko na. Ready na ako. Pero siya, may gusto pa siyang patunayan sa sairli niya. Magkaroon ng talagang… ma-experience niya na magkaroon din siya ng stable na career. Kasi, ano rin, eh, somehow, hindi naman totally breadwinner, pero, nag-a-assist din siya sa family niya sa probinsiya, sa Compostela Valley.”