top of page
Search
V. Reyes

Dahil sa COVID-19.. Dalaw sa mga kulungan, stop


Suspendido muna ang dalaw sa mga piitan sa Metro Manila, gayundin sa ibang rehiyon sa bansa bilang bahagi ng pag-iingat sa banta ng COVID-19.

Epektibo alas-12:00 ka­hapon ng tanghali, hindi muna papayagan ang sinu­mang bibisita sa 42 piitan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa National Capital Region.

Pansamantala ring pinag­bawalan ang pagbisita sa mga kulungan ng BJMP sa Regions I, III (lahat ng ku­lungan sa Bulacan, Angeles District Jail Male at Female Dormitories sa Pampanga; Cabanatuan City District Jail; Talavera Municipal Jail; at San Jose City District Jail sa Nueva Ecija), Region IV-A (Cavite; Cainta, Binango­nan at Antipolo sa Rizal; Ca­bu­yao, Calamba at San Pablo sa Laguna) at Region XI.

Nauna nang inianunsiyo ng Bureau of Corrections (BuCor) ang suspensiyon nito ng pagbisita sa New Bilibid Prison at iba pang prison at penal farms sa loob ng isang linggo dahil sa CO­VID-19 scare. Ito ay sa kabila na walang preso ang nagpa­kita ng sintomas ng virus.

Kasabay nito, isinaak­tibo rin ng BJMP ang natio­nal task force COVID-19 upang masigurong ligtas ang mga bilanggo sa sakit.

Iniutos na rin ni BJMP Chief Jail Director Allan Iral na gamitin ang lahat ng re­sources at mabilis na maipa­tupad ang mga hakbang kon­tra coronavirus.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page