Wala munang ipapako sa krus ngayong Semana Santa sa Bgy. San Pedro Cutud, San Fernando, Pampanga.
Nagpasya umano ang lokal na pamahalaan na ipagpaliban ang taunang pamamanata ng mga tao sa lugar na dinarayo pa ng iba’t ibang lahi dahil na rin sa banta ng COVID-19.
Bawal na rin munang pumunta sa kanilang lugar ang mga dayuhan sa Biyernes Santo na nais masaksihan ang mga namamanata roon. Papayagan naman ang pagpepenitensiya ng mga residente at pagpasan ng krus.