Nitz Miralles / Bida
Bakit sa interview ni MJ Felipe kay Matteo Guidicelli sa pagwe-welcome sa kanya bilang National Youth Commission (NYC) new ambassador, itinanggi nitong ikakasal sila ni Sarah Geronimo sa Italy this month?
Sabi raw ni Matteo, wala silang plano na magpakasal sa Italy kahit noong wala pang COVID-19 outbreak. Natanong kasi si Matteo kung matutuloy ang kasalan sa Italy kahit may balitang lockdown na sa nasabing bansa.
Ibig bang sabihin, walang kasal na mangyayari this month o sa ibang buwan o mapo-postpone ang kanilang wedding o wala talagang mangyayari at all?
Kung walang big wedding sa Italy, ano ‘yung mga nabalitang may paghahanda sa kasal nila?
Hindi ba’t nabalitang nahihirapan ang wedding coordinator kay Mommy Divine dahil ayaw nitong mag-fit ng gown na isusuot sa kasal nina Matteo at Sarah? Nabalita pang pati sa pagkuha ng video message kay Mommy Divine para kay Sarah, nahirapan din ang wedding coordinator.
Anyway, formal na winelcome si Matteo bilang NYC Youth ambassador sa awarding ceremony na ginawa sa NYC Central Office.
Sabi ni Matteo, “The youth is the start and future of everything.”