top of page
Search
Jersy Sanchez

‘Di sapat na naghuhugas lang ng kamay… Alamin: Tips para iwas-virus

No Problem

Mula nang makumpirma na meron nang local transmission ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), lalong dumami ang mga Pinoy na nagpa-panic. Marami nang ayaw lumabas ng bahay, pumasok sa trabaho o paaralan dahil sa takot na mahawahan.

Dahil dito, mas pinaigting ng mga local government units (LGUs) ang mga hakbang upang maiwasan ang pagkalat ng virus sa bansa. Kaya naman, narito ang ilang tips para mapanatiling virus-free ang ating bahay:

1. DISINFECT. Ayon sa mga eksperto, kapag bumahing o umubo ang taong infected ng COVID-19 at napunta sa surface tulad ng mesa at nahawakan ito ng ibang tao saka humawak ito sa ilong o bibig, maaari itong ma-infect kaya ipinapayo na mag-disinfect ng mga area sa silid at gamit na palaging hinahawakan tulad ng cellphone, laptop, countertop, lababo, lamesa, electronic switches at staircase railings. Dapat ding linisin nang mabuti ang sponge na ginagamit na panghugas ng pinggan.

2. ISARA ANG TOILET LID. Bago mag-flush, siguraduhing nakasarado ang toilet lid para hindi lumabas ang tubig na ipina-flush, gayundin, ang mga dumi at mikrobyo. Ugaliin ding punasan o gumamit ng antibacterial wipes sa toilet seat pagkatapos gamitin.

3. MAGHUGAS NG MGA PAA AT KAMAY. Kapag galing sa labas, make sure na maghuhugas ng mga kamay at paa. Gayundin, ugaliing maghugas ng mga kamay pagkatapos gumawa ng gawaing- bahay, lalo na pagkatapos magluto o maglinis, ganundin pagkatapos mag-CR.

4. PATUYUIN NANG MABUTI ANG LABADA. Siguraduhing natuyo nang mabuti ang mga nilabhang damit, bed sheet o tuwalya para hindi mamalagi ang mga mikrobyo rito. Dagdag pa rito, kapag galing sa labas, huwag hihiga sa kama nang hindi nagpapalit ng damit.

Mga besh, nakakatakot talagang mahawa ng sakit kaya dapat ay maging malinis tayo sa ating katawan, gayundin sa ating tahanan. Make sure na sasabayan natin ng proper hygiene ang tips na ito para iwas-sakit. Ingat, ka-BULGAR! Kuha mo?

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page