Kinukumbinsi natin ang sariling mga mata para maniwala sa bagay na hindi pa natin nakikita — pangarap, pagsinta.
Hinahayaan nating kumukutitap ang sariling mga paninindigan para sa pagmamahalan.
Umibig ka sanang parang isang bata, bumabangon tuwing nadarapa, umibig ka sanang parang isang saranggola, handang bumalik sa bawat paghatak.
Umibig ka sanang parang isang bituin, handang maghintay sa kadiliman para magningning.
Pero kung ang pag-ibig ay sadya nang mabigat hayaan mong magpatiwakal ito sa sarili niyang kasinungalingan. Hindi ka nito balak sabayan.
Hindi ito babangon sa pagkadapa. Hindi ka nito babalikan. Hindi ka nito hihintayin sa kadiliman. Hindi ka nito balak seryosohin.
Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-confess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong damdamin kaya mag-send na ng personal message sa aming official Facebook page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!