Patuloy sa pagtaas ang bilang ng mga naitalang kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa bansa na umakyat na sa 33.
Ayon sa DOH, ito ay matapos makapagtala ang Department of Health ng 9 pang bagong kaso.
Nilinaw din ng DOH na taliwas sa una nilang inanunsiyo na 11 ang bagong kaso, ay 9 lamang ang bagong COVID case sa bansa.
Matapos ang kanilang beripikasyon, naisama sa bilang ang 2 sample na una na nilang nasuri.
Ang mga bagong COVID case na ito ay naka-admit sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium, Cardinal Santos Medical Center, San Lazaro Hospital, St Luke’s Medical Center Quezon City, New Clark City (NCC) quarantine facility at Medical City.
Kasama sa mga bagong kaso ang dalawang repatri-ates mula sa MV Diamond Princess cruise ship sa Japan na nasa New Clark City sa Tarlac kung saan sila naka-quarantine.
Ang dalawang pasyenteng ito ay kapwa aniya asymptomatic o walang sintomas ng virus. Ang mga bagong kasong ito ay puro mga Filipino.
Batay sa datos ng DOH, sampu sa mga kaso ng COVID-19 ay walang travel history.Kaya ayon kay Asec. Vergeire, inaalam din nilang mabuti kung paano nagkaroon ng virus ang mga ito.
Sa ngayon ay hindi pa rin nila inirerekomenda ang lockdown.
Samantala, nilinaw naman ni Vergeire na walang namatay na pasyente na positibo sa COVID-19