top of page
Search
Nitz Miralles

Game na game kumain ng litson… Bela, Korean actor ang bagong leading man, dinala pa rito sa 'Pin

Nitz Miralles / Bida

Photo: @VivaArtists

Nakatapos na naman ng isang pelikula si Bela Padilla. Tapos na ang shooting ng Viva Films at Reality Entertainment movie na Ultimate Oppa.

Dito sa Pilipinas tinapos ang shooting ng pelikula at nagpunta pa rito ang Korean actor na leading man ni Bela.

Ang galing ng Viva at Reality Entertainment dahil naitago ang pagdating at shooting ng Korean actor na si Kim Gun Woo. May mga eksena ang movie na kinunan sa Welcome Rotonda, pero natapos ang shooting nang maayos.

Napanood namin ang cast party at nakakatuwang game na game kumain ng Filipino food at lechon si Kim Gun Woo at ang mga kasama nitong Korean.

Pagkatapos ng Ultimate Oppa with Kim Gun Woo, si Marco Gumabao naman ang magiging leading man ni Bela sa Viva Films movie na Spellbound na kung matatandaan, pelikula sana nina James Reid at Nadine Lustre.

Sa dami ng naka-line-up na movies na gagawin ni Bela, hindi nito maharap ang pangarap na makapagdirek ng pelikula.

Sabagay, busy pa rin naman si Liza Soberan

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page