Sa nasabing contract signing ay nakapanayam ng press sina Balot at Monching at siyempre, hindi maiwasang maitanong sa kanila ang naging issue kamakailan sa aktres at sa ex-mother-in-law na si Pilita Corrales.
Matatandaang nagsalita si Tita Pilita sa digital show nina Lolit Solis and Cristy Fermin na pinagalitan niya ang apong si Janine nang mag-tweet ito about Sen. Bong Revilla’s TV comeback na medyo hindi naging maganda sa pandinig ng iba.
Matapos magsalita ni Tita Pilita ay rumesbak sa social media si Balot at ikinasama ng loob nito ang panlalaglag ng ex-mother-in-law sa apo.
Ayon kay Monching, medyo tahimik na raw ang issue ngayon at naniniwala siyang darating din ang time na magiging okay ang lahat.
“Feeling ko, in God’s time, darating ang time na everything will be okay. ‘Yun lang ‘yung masasabi ko ru’n,” he said.
“Siguro darating ang panahon na magiging maayos din,” dagdag niya.
Aminado naman siyang medyo nalungkot sila pero good thing, as much as possible raw ay hindi nila ito hinayaang makaapekto sa kanilang pamilya at maging sa relasyon nila ni Balot ngayon.
Hindi na rin daw siya nakialam o nag-attempt pang mag-mediate dahil medyo mahirap for him since nanay niya si Pilita at anak niya si Janine. Siyempre, naiipit siya sa gitna.
Of course ay nakausap din niya ang ina about it.
“Ang sabi ko lang, ano, refrain,” natatawa niyang sabi.
“Hindi mo naman puwedeng sabihin na ano, ‘di ba? Refrain lang,” dagdag pa niya.
Kumusta na sina Lotlot at Tita Pilita ngayon?
“Eh, tahimik naman,” matipid niyang sagot.
“So, kung mananatiling tahimik, di walang problema.”
Kung si Balot naman ang tatanungin, aniya, “I’m okay. Okay naman ako, eh. We’ve all moved on eventually. Sa akin kasi, it was a burst of emotions ko. Tao lang naman ako.”
Siyempre nga naman, anak niya ang involved kaya hindi niya napigilan ang kanyang emosyon.
“And as much as with everything that’s happened, I think, naiintindihan naman, if there’s one thing, lalo na si Monching, naiintindihan naman niya kung saan din ako nanggagaling,” sey pa ni Balot.
She added, “And sa akin kasi, after many things that have been said, parang tama na rin, parang masyado nang luma ang istorya.”
Basta para sa kanya ay tapos na raw ang issue at hindi na dapat palakihin