top of page
Search
Thea Janica Teh

Agricultural products, puwede nang mabili online dahil sa MAGRI app


Bulgarific

Hello, Bulgarians! Dahil sa umuunlad na teknolohiya sa ating bansa, hindi lang ang mga millennial entrepreneurs ang makapag-e-enjoy ng online selling kundi pati na rin ang mga magsasaka! Ito ay sa tulong ng Shopee, ang leading e-commerce platform sa buong Southeast Asia at Taiwan kasama ang Go Negosyo.

Ang MAGRI app ay mobile application kung saan maaaring makabenta ang mga local farmers direkta sa kanilang consumers. Pinauunlad nito ang mga local at affordable products mula sa mga magsasakang Pinoy.

Sa app na ito, maaaring i-post ng mga magsasaka ang kanilang mga produkto, ilagay ang presyo at makipag-negotiate direkta sa businesses at consumers. Hindi lang ‘yan, makatutulong din ito sa mga consumers na naghahanap ng iba’t ibang variety ng produkto sa murang halaga.

“Excited kami na makipagtulungan sa Go Negosyo para mas matulungan ang mga magsasaka para mas mapadali ang pagbebenta ng kanilang mga produkto gamit ang teknolohiya ngayon. Ngayong taon, kasama ang Go Negosyo, ay patuloy naming susuportahan ang digitalization ng agriculture through MAGRI app, isang online platform para sa agricultural products,” bahagi ni Karen Perez, Head of Operations sa Shopee Philippines.

“If we really want to change the landscape of prosperity for all in this country, we must pay attention and give importance to our farmers and other players in agriculture. The Philippines, as an agricultural country, can become an even stronger player in the ASEAN, if we align our efforts to ensure that innovation in the field is supported and that the programs we develop can sustain growth.

“We need to empower all farmers and turn them into enterprising agri-preneurs for the Philippines to achieve inclusive prosperity. We are very thankful that Shopee also recognizes their efforts and advocates for their welfare by investing in their future and ushering them into the digital age,” sabi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship and Go Negosyo Founder Joey Concepcion.

Para sa mga interesadong consumers, i-search lamang ang produkto na gustong bilhin at direktang makipag-usap sa mga magsasaka.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page