top of page
Search
Janice Baricuatro

Sekyu, dedo sa outing


Patay na nang makita ng mga kasamahan nito ang biktima na isang security guard na nalunod sa swimming pool kung saan nag-outing ang mga ito, kamakalawa ng hapon sa Silang, Cavite.

Kinilala ang nasawi na si Jonnel Amurao, 23, security guard sa ilalim ng Grandiose Security and Services Corporation, residente ng Bgy. San Vicente, San Pedro, Laguna.

Sa imbestigasyon ni PSMS April Jo Vicente Ambojia, alas-12:00 ng tanghali nang makita na lamang ng kasamahan nito ang biktima na nasa ilalim ng swimming pool at hindi na gumagalaw.

Pinagtulungang iahon ito ng kanyang mga kasamahan at agad na itinakbo sa Velasco Hospital subalit, hindi na rin ito naisalba pa.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, nagkayayaang mag-outing ang mga ito kung saan naganap ang insidente.

Inaalam pa ng pulisya kung nakainom ng alak ang biktima nang maganap ang pagkalunod nito.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page