Nagpatupad ng malaking bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong araw, Martes, Marso 10.
Magtatapyas ng presyo sa kanilang produktong petrolyo ang mga kumpanyang Total Philippines, Pilipinas Shell, Chevron Philippines, Inc. PTT Philippines at Petron Corporation ng P1.20 kada litro ng gasolina, P1.05 kada litro ng kerosene at P0.75 kada litro ng diesel epektibo alas-6:00 ng umaga.
Nauna nang nag-anunsiyo ang Phoenix Philippines ng P0.75 kada litro sa diesel at P1.20 sa gasolina na ipinatupad nitong nakaraang Sabado habang ang Cleanfuel kamakalawa ng umaga sa kahalintulad din na halaga.
Ang ipinatupad na malakihang bawas-presyo ay kaugnay sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.