top of page
Search
Shane Ludovice

Mataas na cholesterol, dahilan ng hirap sa paghinga


Dear Doc. Shane, Dati malakas manigarilyo ang tatay ko, pero ngayon ay unti-unti na siyang humihinto. Gayunman, madalas niyang iniinda na nakararanas siya ng hirap sa paghinga kahit hindi siya masyadong aktibo o wala namang ginagawa. Bakit kaya ganu’n? - Jedan

Sagot Kapag tayo ay mabilis maglakad at hinihingal, bumibilis ang tibok ng ating puso at natural lang na mahihirapan tayo sa paghinga, gayundin kapag tayo ay nag-eehersisyo.

Ang paghinga ay mayroong dalawang bahagi — ang bentilasyon at respirasyon, alinman sa dalawang ito kapag nagambala ay magdudulot ng hirap sa paghinga.

Ang malalang hirap sa paghinga ay tinatawag na chronic dyspnea na tumatagal nang mahigit isang buwan. Madalas, ito ay epekto ng hika, sakit sa puso at myocardial ischemia o ang kawalan ng oxygen dahil sa pagbabara ng artery, sakit sa baga at pneumonia.

Anu-ano ang mga dahilan nito?

  • Kailangan ng katawan ang higit pang hangin. Kapag tayo ay nahihirapan sa paghinga, nararamdaman nating hindi tayo nakakukuha ng sapat na hangin at naninikip ang ating dibdib.

  • Mataas na cholesterol at sakit sa puso. Ang mataas na cholesterol ay hindi sakit ngunit maaari itong humantong sa sakit sa puso, atake sa puso, stroke at problema sa sirkulasyon na tinatawag na peripheral vascular disease.

  • Acid reflux at ang gastroesophageal reflux disease. Isa sa mga dahilan ng hirap sa paghinga ay ang acid reflux at ang mas malala nito na tinatawag na gastroesophageal reflux disease (GERD). Ito ay maiuugnay sa hirap sa paghinga tulad ng bronchospasm at aspiration pneumonia.

  • Panic disorder. Ang mga sintomas nito ay paninikip ng dibdib, hirap sa paghinga, sobrang takot dahil sa pakiramdam na nasasakal at gustong tumakas. Sa ganitong mga pagkakataon ay kinakailangang humihingi ng medikal na tulong mula sa mga propesyonal.

Maaaring magpakonsulta sa doktor upang matulungan ngunit, kailangan din nating tulungan ang ating sarili at sundin nang maigi ang mga payo ng doktor.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page