top of page
Search
Thea Janica Teh

Mas magaan at mababang interest sa bagong Loan Program ng GSIS


Bulgarific

Hello, Bulgarians! Inanunsiyo kamakailan ni GSIS Acting President and General Manager (APGM) Rolando Ledesma Macasaet ang bagong loan product ngayong darating na May, 2020, ang “Multi-Purpose Loan” (MPL) Program.

Ang bagong programang ito ay loan restructuring at debt consolidation na makatutulong sa mga government employees na may outstanding debts sa ahensiya.

“Kung ang isang empleyado ng gobyerno ang may Salary Loan, Emergency Loan at Conso-Loan 3 years ago na may 12% interest, iko-consolidate ng GSIS ang mga loan bilang “Multi-Purpose Loan” account. Pagkatapos nito ay saka ire-restructure ang payment terms. Imbes na magbayad ng 12% interest, ang babayaran na lamang nila ay 7%-8% interest sa ilalim ng MPL. Imbes na 3 years to pay, maaari itong i-adjust sa 5 years para hindi mabigat sa empleyado,” paliwanag ni Macasaet.

Ang outstanding penalties at surcharges ng mga loan ay mawe-waive ng GSIS kapag naaprubahan ang aplikasyon ng empleyado.

Bukod pa rito, pinapayagan na ring mag-loan ang mga newly-hired government employees sa ilalim ng programang ito. Dati, kinakailangan na mayroong 20 months of service sa gobyerno bago makapag-loan, ngunit ngayon, 3 buwan lang ang kailangan at puwede ka nang mag-loan.

“Napansin kasi namin, ‘yung mga newly-hired public school teachers natin for example, hindi makautang sa GSIS. So, what do they do? They go to the loan-sharks. They fall prey to the ‘five-six.’ Kasisimula pa lang nila sa serbisyo, baon na kaagad sila sa utang kasi hindi nila alam na ang taas-taas pala ng interest na sinisingil sa kanila. This is what GSIS is really trying to prevent,” dagdag pa ni Macasaet.

Ang mga GSIS members na 15 years nang nagtatrabaho sa gobyerno ay maaaring manghiram ng halos 14 times ng kanilang basic monthly salary. Ang interest rate nito ay 7% to 8% lamang per annum depende sa amount ng loan at length ng repayment.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page