
Tinutukso na si Vin Abrenica ng mga kaibigan niya kung kailan naman siya magkakaroon ng baby. Naka-dalawang anak na kasi ang younger brother niya na si Aljur sa misis nitong si Kylie Padilla.
“Kung alam ninyo lang, naku, sa mga… at least, nailalabas ko naman ‘to sa dalawang bata. Magkasunod pa. At, parehong lalaki. Parang kami (ni Aljur). Nakakatuwa silang makita. Nae-excite na nga ako makita ‘yan kung paano sila lumaki. Kasi, parang kami noon,” pahayag ni Vin.
Isang taon lang kasi ang agwat ng edad nila ni Aljur. Madalas daw silang mag-away nu’ng mga bata pa sila. Nagsasapawan daw sila halos araw-araw.
“Muntik na nga kaming paghiwalayin dati. Tatay ko sa Batangas, eh, Batangas na sana ako, eh. Nanay ko, sa Pampanga. Kaya siya, sa Pampanga na. Ganu’n kami kagrabe noon.”
Nagkabati na lang daw sila nu’ng tumanda na at napaengkuwentro.
“Nagkaroon na ng time na ang kalaban namin, otso, sampu? Magkatalikod lang kami. As in, nanginginig ako sa takot. Kasi, ang dami! Matatanda sa amin. Sabi niya, ‘‘Tol, handa ka ba?’ Nagtanggal kami ng belt. Dalawa lang kami, ‘Sige, lapit. Bakbakan na ‘to.’ Umabot kami sa mga ganu’n. Kaya doon kami nagsimula na maging solid.”
Dream ni Vin na magkasama sila sa mga proyekto especially sa ABS-CBN. Never pa raw kasi silang nagkasama ni Aljur sa isang teleserye o pelikula.
“Ang sarap nu’n. Diyos ko, kahit magkapatid, ‘no? Kahit ako na ‘yung gago, okey lang. Siya ‘yung bida, ako ‘yung kontrabida. Siya ‘yung mabait, ako ‘yung sira-ulo, okey lang. Gusto ko ‘yun.”
Sa ngayon, kabilang si Vin sa Kapamilya teleseryeng pinagbibidahan ni Gerald Anderson na A Soldier’s Heart.
“Magaling siya in a way na, team leader, eh. Team leader talaga siya. Seven-man team kami, eh. Isipin mo, iba’t ibang karakter kami, alam niya kung paano kausapin ‘yung lahat ng ‘yun. Iba’t ibang ugali, may bata, may matanda, ako. Alam niya kung paano kausapin lahat. Sa akin, mahusay siyang artista,” papuri ni Vin kay Gerald.
Looking forward naman si Vin na mabigyan ng chance na makagawa ng action scenes sa A Soldier’s Heart.
“Nag-aaksiyon na, sila. Diyos ko! Tagal ko. Gusto ko nang sumabak. Dream role ko ‘yun, eh. Nu’ng nagbabakbakan na sila, nagkaroon ako ng asawa’t anak, so, stay at home na military. Gusto ko na, gigil na gigil na ako, eh, sa karakter ko. So, sana, mapagbigyan ako na makapag-aksiyon,” dasal ni Vin nu’ng makausap namin sa contract siging niya bilang bagong endorser ng kilalang underwear na Handford.
Two years ang pinirmahang kontrata ni Vin sa Hanford at naka-schedule pa lang ang pictorial niya para sa posters and billboards.
Kaya naman, super naghanda na raw si Vin at abangan ang paglabas ng posters and billboards niya.
Haping-hapi naman ang long-time girlfriend ni Vin na si Sophie Albert sa pagiging Hanford endorser niya. Mas excited pa nga raw si Sophie kesa sa kanya.
“As in, sobrang happy siya para sa akin. Kasi, finally, she’s with me in my journey, eh. And because she’s very happy for me, she woke up very early para samahan akong mag-workout even if dapat, rest day siya today.
“Do you see my face? Mineyk-up-an niya ako,” pagmamalaki ni Vin.
Kuwento pa niya, “Wala pang driver ‘yun. Pagkatapos kong umalis, pagkaalis ko ng bahay kanina, umuwi pa siya sa kanila. Nag-drive pa siya pauwi. So, ‘yun, she’s super happy for me.”
Ganern!