top of page
Search
Vinia Vivar

Kung dati raw, P25-K lang 'pag guest sa b-day niya… Ibinulgar ni Raffy: Vice, milyones n

Nag-last episode na nga noong Sunday ang Gandang Gabi Vice and in fairness, napapayag niyang mag-guest ang batikang broadcaster na si Raffy Tulfo na as we all know ay hindi nagge-guest sa ibang shows.

May history pala kasi ang friendship nina Raffy and Vice way, way back. Hindi pa raw sikat ang Unkabogable Star ay kaibigan na ni Tulfo at ng misis nito.

Sa show ay nag-throwback nga sila ng friendship nila na sabi ni Raffy, napakalaki na ng ipinagbago ni Vice.

Biro ni Raffy, kung dati raw ay P25 thousand lang si Vice kapag kinukuha niya sa birthday niya, ngayon ay milyones na.

Yayamanin na raw ang porma ni Vice ngayon, pati ang mga alahas nito na dati ay parang galing lang sa Quiapo.

Pero seriously, wala pa rin daw ipinagbago si Vice Ganda pagdating sa ugali kahit sikat na ito. Kung ang iba raw na sumisikat ay hindi namamansin, si Vice ay na­mamansin pa rin.

‘Kaaliw ang show dahil kung anu-anong ipinagawa ni Vice kay Tulfo tulad ng pagti-TikTok at Ahi dance challenge.

Sa bandang huli ay nagpasalamat si Vice Ganda sa mga televiewers ng GGV for 9 long years. Kasabay nito ay inanunsiyo rin niya ang papalit na show na siya pa rin ang host.

“Maraming-maraming salamat po sa inyo. Ang laking achievement na magkaroon ng programang ganito na Gandang Gabi Vice na ako ang host. It was just a dream. Nine years ago, I was given a chance to host my own show, Gandang Gabi Vice and we were promised to air the show for one season, ilang weeks lang ‘yun.

“Then nu’ng last day ng first season, nagulat kami na sinabi, extended daw ng another season. Hanggang nagulat ako na 9 years na ang Gandang Gabi Vice. Hindi lahat, humahaba nang ganu’n, hindi ba?” pahayag ni Vice.

“Pero huwag po kayong mag-alala, hindi n’yo po ako mami-miss kasi same day, same time, mapapanood n’yo pa rin ako. Ibang title lang, ibang trip lang, pero sobrang saya, promise, dito sa Everybody Sing!” pag-aanunsiyo ni Vice tungkol sa bagong show.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page