Ipinagpaliban na ng Commission on Elections ang nagpapatuloy na voters registration sa buong bansa.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, kasunod ito ng lumalawak na banta ng COVID-19.
Ani Jimenez, ang suspensiyon ng voters registration ay simula ngayong araw, Marso 10 hanggang Marso 31, 2020.