top of page
Search
Mylene Alfonso

Dahil sa COVID-19, bawal hawakan.. P-Du30 'di sinunod ang ipinatutupad na ‘no touch pol


Hindi sinunod ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ipinatutupad na ‘no touch policy’ ng Presidential Security Group (PSG) sa gitna ng tumataas na kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Batay sa video ng RTVM, makikita ang Pangulo sa pulong ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases para talakayin ang ginagawang hakbang ng pamahalaan sa COVID-19.

Nakipagkamay pa ang Pangulo kina Justice Secretary Menardo Guevarra at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Matapos nito, nakipagbeso-beso pa ang Pangulo kay Tourism Secretary Bernadette Puyat.

Nauna rito, sinabi sa Radyo Inquirer ni PSG Commander Colonel Jesus Durante na ipatutupad nila ang ‘no touch policy’ sa sinumang lalapit sa Pangulo.

Kabilang sa mga ipinagbabawal ang pakikipagkamay, beso-beso at yakap.

Kailangan ding dumaan sa assessment kung ikakansela ang pagpunta ng Punong Ehekutibo sa malakihang pagtitipon kung saan siya ay guest of honor.

Nabatid na una nang inihayag ng Palasyo na walang mababago sa schedule ng Pangulo sa gitna ng virus outbreak.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page